Nahalal si Ferdinand Marcos bilang pangulo ng Pilipinas noong 1965, at natalo niya si Diosdado Macapagal na noon ay kasalukuyang nakaupo bilang Pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno naging aktibo si Marcos sa mga proyektong imprastraktura, agrikultura at pampublikong serbisyo na nagdala sa Pilipinas sa pinansiyal na kasaganahan.
Sa kabila ng bali-balita ng dayaan sa eleksiyon, nahalal muli si Marcos noong 1969, at natalo niya si Sergio Osmeña Jr.
Maraming mga alegasyon ng katiwalian ang lumitaw sa kanyang ikalawang termino ng kanyang pamumuno. Maraming mga tao ang naghirap, at dahil dito tumaas ang kaso ng krimen at mga kaguluhan sa bansa. Ito ang naging dahilan sa pagbuo ng mga rebeldeng grupo katulad ng New People's Army (NPA), at ng Moro Islamic Liberation Front na naglalayon na magkaroon ng isang hiwalay na bansa mula sa Pilipinas.
Hindi na puwedeng tumakbo sa kandidatura si Marcos para sa halalan sa 1973. Dahil dito, noong 21 Setyembre 1972, sa pamamagitan ng Proklamasyon 1081, nilagay ni Marcos ang buong bansa sa ilalim ng Batas Militar. Dinahilan niya dito ang lumalaganap na kaguluhan sa bansa. Sa ilalim ng batas militar, pinasara ang lahat ng mga institusyon ng midya, at ang ilan sa kanila ay kinuha ng gobyerno. Ang tangi lamang na tumatakbong mga pahayagan noon ay ang Daily Express at ang Manila Bulletin na noon ay tinatawag na Bulletin Today. Ang mga estasyon ng telebisyon na siyang pinapasahimpapawid lamang ay ang Channel 4 at Channel 2, na dating pag-mamay-ari ng mga Lopez. Marami din sa mga kritiko ni Marcos ang pinahuli, ang isa sa mga pinakakilala sa kanila ay si Benigno Aquino, na isang senador sa oposisyon at ang tinuturing na pinakamainit na kritiko ni Marcos
binuo ni Sison, sa tulong ng isa pang lider komunista na si Bernabe Buscayno, ang military wing ng Communist Party of the Philippines na tinatawag na New People’s Army o NPA. Ang sangay na ito ng CPP ang siya ngayong nagsasagawa ng guerilla warfare laban sa gobyerno at maging sa mga pamahalaang lokal sa mga lalawigan, lalong-lalo na sa hilagang bahagi ng Luzon.
TRIVIA
Ayon sa pangulong Marcos, idineklara niya ang pagpapatupad ng Batas Militar sa dalawang kadahilanan. Una ay upang iligtas ang Pilipinas sa kamay ng mga kaaway nito. Pangalawa ay upang magtatag ng isang bagong lipunan na makapagdudulot ng ibayong kaunlaran, kapayapaan at seguridad sa sambayanang Pilipino.
Ipinaliwanag pa ni pangulong Marcos na kinakailangan ang Batas Militar upang bigyang proteksiyon ang demokrasya ng bansa sa mga kaaway nito tulad ng mga kumunistang CCP-NPA at PKP-HMB, Moro National Liberation Front na naghahangad magtayo ng sariling bansa sa Mindanao sa pamamagitan ng armadong pagkilos, mga maka-kanan na grupong radikal sa simbahan, mga grupong oligarkiko, at mga dayuhang nanghihimasok sa panloob na kalagayan ng bansa. Ayon sa kanya, kinakailangan ng bansa ng malakas na pwersa upang matugunan ang hamon ng mga kaaway at maprotektahan ang bansa.
Isa sa mga layunin ng pagdedeklara ng Batas Militar ay ang pagtatatag ng isang bagong lipunang makatao, maka-Diyos at makabayan at may pitong haligi. Ito ay ang (1) pambansang pagkakaisa, (2) pambansang pagkakakilanlan, (3)kaunlaran at kasaganaan, (4) demokrasya salig sa maraming paglahok ng tao, (5) katarungang panlipunan, (6) internasyonalismo at pakikiisa sa sanlibutan at (7)kalayaan sa paniniwala. Pitong aspeto naman ang binibigyang-diin ng mga programang pangreporma: (1) ang katahimikan at katiwasayan, (2) lupa at sakahan, (3) kabuhayan, (4) edukasyon, (5) reorganisasyon ng pamahalaan, (6)paggawa at (7) serbisyong panlipunan.
TRIVIA
Did you that ferdinand marcos topped the 1939 Bar Exam with a score of 98%. His score was so high some quarters raised the the possibility of cheating, prompting the Supreme Court to step-in and re-calibrate his score to 92.35%.
Lumuwas ng Estados Unidos si Ninoy Aquino noong 1981 dahil sa kanyang kalusugan at dahil na rin sa kanyang seguridad. Makalipas ang tatlong taon, noong taong 1983, ipinahayag ni Aquino ang kanyang kagustuhang makabalik sa Pilipinas, kahit na marami sa kanyang mga kaibigan at tagasuporta ang tutol dito.
Noong 21 Agosto 1983, pinaslang si Aquino habang siya ay papalabas ng isang eroplano sa Manila International Airport (na ngayon ay pinangalan sa kaniya). Nagdulot ito ng malaking galit sa mga Pilipino, na karamihan ay wala nang tiwala sa administrasyong Marcos. Maraming paraan ng kilos protesta ang ginawa, kabilang na angcivil disobedience. Noong panahon ding iyon, nagsisimula nang humina ang kalusugan ni Marcos dahil sa kaniyang karamdaman na Lupus.
Noong 1984, inatasan ni Marcos ang isang komisyon, sa pamumuno ng Punong Hurado Enrique Fernando, na magsagawa ng imbestigasyon sa pagpaslang kay Aquino. Ayon sa kanilang huling report, ang mga militar ang tunay na sangkot sa nasabing pagpaslang. Naging malaki itong dagok sa pabagsak nang pamahalaan.
Ang nasabing pagpaslang, kabilang na ang ibang mga suliranin, ang mas lalo pang nagpalubog sa Pilipinas sa isang krisis pang-ekonomiya. Ang ekonomiya ng bansa ay lumiit hanggang sa 6.8
Ang medieval morality play ng masama at mabuti sa snap elections ng 1986: Marcos-Tolentino, Cory-Doy. Mula sa Bayan Ko!
February 7, 1986, ginanap ang snap presidential elections sa pagitan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos at ang balong si Gng. Corazon Aquino.Si Pangulong Marcos at ang kanyang mga anak habang bumoboto sa Ilocos Norte noong snap presidential elections ng 1986. Mula sa Bayan Ko!Si Cory Aquino habang bumoboto sa Tarlac noong snap presidential elections ng 1986. Mula sa Nine Letters.Kung tutuusin, kahit sabihin pang diktador ang Pangulong Marcos, ilang eleksyon din ang naganap sa ilalim niya. Ngunit ayon sa mga kritiko, walang paraan ang oposisyon na manalo sa mga halalan na ito. Tawag nila dito ay “Lutong Macoy.” Noong 1985, malakas pa rin si Marcos, dalawang taon matapos na magalit ang bayan sa pagkamatay ni Ninoy Aquino, nakaupo pa rin siya sa puwesto. Subalit, dahil pinagdududahan na ng Estados Unidos kung may mandato pa siya sa bayan, nais niyang ipakita sa mga Amerikano na may gahum pa siya, na malakas pa siya. Matagal nang handa si Salvador Laurel at ang makinarya niya noon na tumakbo sa ilalim ng partidong UNIDO, ngunit may ilan sa oposisyon na naniniwalang si Cory Aquino lamang, at ang alaala ng namartir niyang asawa, ang maaaring tumalo kay Pangulong Marcos. Ngunit sabi ni Cory, tatakbo lamang siya kung makakakolekta ng isang milyong lagda, at kung magpapatawag ng snap elections ang pangulo. Alam niyang hindi mangyayari ang kanyang mga kondisyon. Nagsimulang mangolekta si Don Chino Roces ng Manila Times ng mahigit isang milyong lagda.
Naglilingkod sa Diyos at sa Bayan sa pagtuturo ng Kasaysayan
noong November 3, 1985, habang natutulog ang bansa, sa isang Amerikanong palabas, the David Brinkley show, kanyang ipinahayag na handa siyang magpatawag ng snap elections sa mga susunod na buwan.
Si Marcos sa David Brinkley show, November 3, 1986. Mula sa EDSA 25.
Ayon sa mga historyador, ang halalan na ito ay hindi para sa mga Pilipino kundi isang palabas para sa mga Amerikano. Kaya naman ang mga makakaliwang radikal, nagpatawag ng boykot. Magiging Lutong Macoy lamang daw ang lahat.
Protesta ng mga militante sa mismong bukana ng embahada ng Estado Unidos. Mula sa Nine Letters.
Nagboykot sa snap elections ang kaliwa. Nagsisihan sila sa huli. Mula sa Nine Letters.
Ngunit, tinupad ni Cory ang pangako, tatakbo siya sa pagkapangulo. Ngunit ayaw magback-out ni Doy Laurel. Doon kinausap ni Jaime Cardinal Sin si Doy at sinabing kung magsasama sila ni Cory sa isang ticket, mas mananalo ang bayan.
Ang Kardinal. Mula sa Bayan Ko!
Kaya ang nagkakaisang oposisyon sa tiket na Cory-Doy ay lumaban sa tiket ni Marcos at Arturo Tolentino bilang kandidato sa pagkapangulo at pagkapangalawang pangulo.
Si Pangulong Marcos at Arturo Tolentino sa kampanya. Mula sa Bayan Ko!
Si Cory Aquino at Doy Laurel sa harapan ng busto ni Marcos sa Pugo, La Union.
Ang galing palang mangampanya ng pribadong balo, naging simbolo ng kung ano ang hindi ang Pangulong Marcos sa marami. Si Pangulong Marcos naman, kahit sinasabing mahina na sa sakit, nang makita ko ang ilang talumpati niya sa video, ay hindi pa rin kumukupas ang pagsasalita ang retorika. Nagmukhang medieval morality play ang lahat—laban ng masama at mabuti.
Si Cory Aquino sa kampanya. Mula sa Bayan Ko!
Kwelang Cory. Kuha ni Kim Komenich.
Si Pangulong Marcos. balit ng benda, binubuhat sa kampanya pero astig pa rin. Mula sa Bayan Ko!
At sa araw ng halalan, February 7, marami ang hindi nakaboto, nawala ang mga pangalan nila sa listahan. May mga kaso ng pagbili ng boto sa halagang 50 pesos at tangkang pang-aagaw ng mga balota, nakuha pa ang ilan sa mga ito ng media sa dyaryo at telebisyon.
Para lang box-office hit sa takilya. Eksena sa halalan. Mula sa Bayan Ko!
Pagbili ng boto sa halagang Php 50 hanggang Php 100. Mula sa Nine Letters.
Pagtutok ng baril upang agawin ang balota. Aktwal na kuha. Mula sa Bayan Ko!
Karahasan sa Cavite Nuevo, Makato City. Mula sa People Power: The Filipino Experience.
Namatay ang magsasakang NAMFREL volunteer na si Rodrigo Ponce ng Capiz, kabilang siya sa 15 NAMFREL volunteer na nagbuwis ng buhay sa halalan na ito. Brutal din na tinugis at pinatay ang dating gobernador ng Antique na si Evelio Javier, na nagbabantay ng pagbilang ng boto para kay Cory ilang araw ang nakalipas.
Ang balo ni Gobernador Evelio Javier sa harap ng asawa, ang bayani ng Antique. Mula sa Bayan Ko!
Bagama’t noong una naniniwala ang Pangulong Reagan na nagkaroon ng dayaan sa dalawang panig, isang komento na ikinagalit ng marami, sa huli nagpahayag din sila ng pagkilala sa panalo ni Cory. Kung tutuusin, hindi na natin malalamang ang katotohanan kung sino ba ang totoong nanalo.
Si Reagan habang sinasabi na may posibilidad na nandadaya ang dalawang panig “both sides” noong halalang 1986. Ngunit ito ay tinutulan naman ng mga US observers tulad nina Richard Lugar at John Kerry na sumama. Mula sa A Dangerous Life.
Ang NAMFREL count kung saan nanalo si Cory ay hindi naman kumpleto. Ang COMELEC at Batasan count kung saan nanalo naman si Pangulong Marcos ay lubos na pinagdududahan.