top of page

ANG ADMINISTRASYONG MARCOS

Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos (11 Setyembre 1917 – 28 Setyembre 1989) ay ang ika-10 Pangulo ng Republika ng Pilipinas mula 30 Disyembre 1965 – 25 Pebrero 1986. Siya ay isang abogado at nagsilbing kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula 1949 hanggang 1959 at kasapi ng Senado ng Pilipinas mula 1959 hanggang 1965 bago naging Pangulo ng Pilipinas noong 1965 para sa apat na taong termino.  

 Sa kanyang unang termino, sinimulan ni Marcos ang paggugol sa mga gawaing pampubliko kabilang ang pagtatayo ng mga lansangan, tulay, mga health center at mga eskwela. Kanyang napanatili ang kanyang kasikatan sa kanyang unang termino at noong 1969 ay muling nahalal bilang pangulo para sa ikalawang 4 na taong termino. Gayunpaman, ang kasikatan ni Marcos bilang pangulo ay bumagsak sa kanyang ikalawang termino

 binuo ni Sison, sa tulong ng isa pang lider komunista na si Bernabe Buscayno, ang military wing ng Communist Party of the Philippines na tinatawag na New People’s Army o NPA. Ang sangay na ito ng CPP ang siya ngayong nagsasagawa ng guerilla warfare laban sa gobyerno at maging sa mga pamahalaang lokal sa mga lalawigan, lalong-lalo na sa hilagang bahagi ng Luzon. 

Sa kabila ng bali-balita ng dayaan sa eleksiyon, nahalal muli si Marcos noong 1969, at natalo niya si Sergio Osmeña Jr.

Maraming mga alegasyon ng katiwalian ang lumitaw sa kanyang ikalawang termino ng kanyang pamumuno. Maraming mga tao ang naghirap, at dahil dito tumaas ang kaso ng krimen at mga kaguluhan sa bansa. Ito ang naging dahilan sa pagbuo ng mga rebeldeng grupo katulad ng New People's Army (NPA), at ng Moro Islamic Liberation Front na naglalayon na magkaroon ng isang hiwalay na bansa mula sa Pilipinas.

 

 

 

 

The Mendiola massacre, also called Black Thursday Thirteen of the farmers and students were killed and many wounded when government anti-riot forces opened fire on them. The farmers were demanding fulfillment of the promises made regarding land reform during the Presidential campaign of Cory Aquino, and distribution of lands at no cost to beneficiaries.

 

ANG PILIPINAS SA ILALIM NG BATAS MILITAR

Sinamantala ni Marcos ang mga ito at ang ibang mga insidente gaya ng mga pagpoprotesta ng mga manggagawa at mga estudyante at pambobomba sa mga iba't ibang lugar sa bansa upang lumikha ng isang kapaligiran ng krisis at takot na kanyang kalaunang ginamit upang pangatwiranan ang kanyang pagpapataw ng Batas Militar o Martial Law. Sa panahong ito, ang popularidad ni Senador Benigno Aquino Jr. at ng oposisyong Partido Liberal ay mabilis na lumago. Sinisi ni Marcos ang mga komunista para sa nakakahinalang pambobomba ng rally ng partido Liberal sa Plaza Miranda noong 21 Agosto 1971. Ang isang isinagawang pagtatangkang pagpaslang sa kalihim ng pagtatanggol ni Marcos na si Juan Ponce Enrile ang isang dahilang ibinigay ni Marcos upang ipataw ang Martial Law 

Ayon sa pangulong Marcos, idineklara niya ang pagpapatupad ng Batas Militar sa dalawang kadahilanan. Una ay upang iligtas ang Pilipinas sa kamay ng mga kaaway nito. Pangalawa ay upang magtatag ng isang bagong lipunan na makapagdudulot ng ibayong kaunlaran, kapayapaan at seguridad sa sambayanang Pilipino.

Ipinaliwanag pa ni pangulong Marcos na kinakailangan ang Batas Militar upang bigyang proteksiyon ang demokrasya ng bansa sa mga kaaway nito tulad ng mga kumunistang CCP-NPA at PKP-HMB, Moro National Liberation Front na naghahangad magtayo ng sariling bansa sa Mindanao sa pamamagitan ng armadong pagkilos, mga maka-kanan na grupong radikal sa simbahan, mga grupong oligarkiko, at mga dayuhang nanghihimasok sa panloob na kalagayan ng bansa. Ayon sa kanya, kinakailangan ng bansa ng malakas na pwersa upang matugunan ang hamon ng mga kaaway at maprotektahan ang bansa.

Isa sa mga layunin ng pagdedeklara ng Batas Militar ay ang pagtatatag ng isang bagong lipunang makatao, maka-Diyos at makabayan at may pitong haligi. Ito ay ang (1) pambansang pagkakaisa, (2) pambansang pagkakakilanlan, (3)kaunlaran at kasaganaan, (4) demokrasya salig sa maraming paglahok ng tao, (5) katarungang panlipunan, (6) internasyonalismo at pakikiisa sa sanlibutan at (7)kalayaan sa paniniwala. Pitong aspeto naman ang binibigyang-diin ng mga programang pangreporma: (1) ang katahimikan at katiwasayan, (2) lupa at sakahan, (3) kabuhayan, (4) edukasyon, (5) reorganisasyon ng pamahalaan, (6)paggawa at (7) serbisyong panlipunan.

bottom of page